Migrants’ issue in Philippine elections: Your views
As the Philippine presidential election campaign kicks off, we start off with a question to our fellow OFW’s:
“Ano’ng (UK) Migrant Issue ang dapat pag-usapan ngayong Eleksyon?”
Below are some of their views. You can contribute by making your own video commentaries using your camera phones, etc. and sending them to ukpinoymigrants@gmail.com for posting on our blogsite!
Advertisement
Alexandra 6:39 pm on 20 February 2010 Permalink |
Hindi po ako rehistradong botante. To be honest, Ako po ay isa sa mga Filipinong nasa abroad na ayaw nang makialam sa usapan politika sa Pilipinas. Usually, ang dahilan na maririnig niyo, “Bakit pa?! wala naman din nangyayari… ganon pa rin ang takbo ng Gobyerno, bakit ka pa boboto?!”
Pero noong nalaman ko na tatakbo si Dick Gordon sa pagka-presidente, nabuhayan po ako ng loob! Buo ang tiwala ko kay Dick Gordon, na kaya niyang baguhin ang bulok na sistema ng gobyerno natin. kaya niyang mag-create ng maraming trabaho sa atin, para hindi na tayo lalayo pa at mangingibang bayan.
Heto po ang aking karanasan.. noong pumutok ang mt. pinatubo, 18 lang po ako. mga magulang ko po nasa Dubai kasama ng dalawa kong kapatid. Pinili kong sumunod sa kanila kesa magpatuloy ng pag-aaral. Isip ko, bakit pa ako mag-aaral eh heto na nga pwede na akong mag-abroad… akala ko madali lang ang magtrabaho sa ibang bansa. mahirap po pala. nagkaroon nga po ako ng phobia sa telepono dahil yung una kong trabaho, receptionist sa isang British Beauty Salon, nakaka-intindi ako ng salitang Inglis pero hindi po ako confident sa pagsasalita, nauutal ako. Minsan, nagalit ang isang customer sa telepono kasi hindi ko ma-explain sa kanya kung saan yung location namin. mula noon, tuwing nag-ri-ring ang telepono, para akong aatakihin sa puso.
tatlong taon ako nagtiis, habang ang mga kaklase ko sa high school, nag-aaral sa manila ng kolehiyo, nag-enjoy sa pagiging dalaga’t binata, ako po nagta-trabaho para lang makatulong sa pamilya ko.
Taong 1996 umuwi ako para mag-aral sa manila ng computer-secretarial. pagkatapos nag-apply ako sa isang kumpanya sa SBMA at natanggap naman ako. Kung tutuusin mas malaki ang suweldo ko sa Dubai, pero wala akong naipon dahil sa taas ng cost of living doon. Sa SBMA, nakapag-pundar ako ng gamit at malaya pa akong nakakagalaw, walang pinakikisamahan ibang lahi. Maganda na sana ang takbo ng negosyo sa SBMA, kundi lang pinakialaman ng administrasyon ESTRADA. Dahil magulo ang politika sa atin, nawalan ng gana ang karamihan sa mga investors, isa ang kumpanya namin sa mga umalis at lumipat ng London.
Hindi po ako nakasama sa paglipat nila, yung ibang engineers po na kasama ko sa trabaho ang na-absorbed ng aming kumpanya. Nakahanap naman ako ng ibang mapapasukan. Ayaw ko na sanang umalis at magtrabaho sa ibang bansa, katwiran ko sa Pilipinas na lang ako, tutal naman kahit paano may trabaho.
Pero dahil nga unstable ang gobyerno natin, noong nagpalitan ng chairmanship sa SBMA, nadamay na naman yung kumpanya namin sa gulo. kaya yung investor, naisip na magtayo ng kumpanya sa Malaysia at inalok ako ng trabaho. Ayaw ko sana kasi 7 months old pa lang yung baby ko. pero kailangan maging practical, kasi nagsarado na yung kumpanya namin sa SBMA.
Bilang ina, napakasakit ho nung mapalayo ka sa iyong anak, lalo na baby pa lang. 1st birthday nga niya, hindi kami magkasama, pasko, bagong-taon hindi rin kami magkasama… napakahirap dalhin sa kalooban. lagi akong umiiyak. hanggang ngayon nga pag naiisip ko pinagdaanan namin mag-ina, naiiyak pa rin ako.
Pasalamat na lang at mabait sa amin ang kapalaran. 5 years old na po siya ngayon at magkasama na kami dito sa England.
Kaya po yung damdamin ng mga OFW, nakaka-relate ho ako. Napakahirap po ng kalagayan natin… yung kaibigan ko nga po noong high school, iniwan din niya yung dalawang anak niya para samahan ang asawa niya na mag-trabaho sa ibang bansa, sabi ko “Friend, wag mo nang ulilain sa Ina ang mga anak mo, ulila na nga si Ama.” sabi niya “kailangan na kasi, lumalaki na sila at hindi na sumasapat ang sweldo namin mag-asawa.”
Kaya naman po sobrang suporta ko sa kandidatura ni Dick Gordon. Naniniwala ako na siya ang sasagot sa problema natin sa trabaho. na kaya niyang mag-create ng trabaho para sa lahat ng Filipino na naninirahan sa Pilipinas. Hindi po remittances ng OFW ang sagot sa ating ekonomiya. dapat po, meron din tayong trabaho diyan sa atin, nang sa ganon ang pagta-trabaho sa ibang bansa ay hindi COMPULSORY, kundi isang CHOICE.
Naniniwala ako sa adhikain ni Dick Gordon, kaya sana sama-sama tayo sa pagsuporta sa kanya para sa ikauunlad ng ating Bayan!
Gordon-Bayani po sa darating na eleksyon! ♥